HALINA’T MAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026!
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng magulang, alumni, stakeholders, at volunteers na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin mula Hunyo 1–5, 2026 upang ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase.
Bilang paghahanda sa darating na pasukan, sama-sama nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan upang maging mas ligtas at mas kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Leopoldo B. Santos Elementary School warmly welcomes all partners, volunteers, and stakeholders in this collective effort to prepare our school for another productive and successful school year.
MAKIISA. MAKIBAHAGI. MAGBAYANIHAN TAYO!
Tara na, mag-Brigada Eskwela na!

